^

Probinsiya

Kandidatong bise alkalde sa Cavite pinatay ng kapitbahay

Cristina Timbang, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kandidatong bise alkalde sa Cavite pinatay ng kapitbahay
Ang duguang katawan ng biktimang si Maragondon, Cavite vice mayoralty candidate, Nolito Angeles Magallanes, matapos pagbabarilin ng nakaalitang kapitbahay na agad dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.
Maria Cristina Go Timbang

GEN. TRIAS CITY, Cavite, Philippines —  Idineklarang dead on arrival ang isang lalaki na kandidatong bise alkalde sa isang bayan ng lalawigang ito matapos na pagbabarilin ng kapitbahay na kainuman sa isang bahay nito sa Lavanya Subdivision, Brgy. Bacao 2 ng lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Nolito Angeles Magallanes alias Vice Pogi, 54, may-asawa, residente ng Maragondon, Cavite na kasalukuyang kumakandidatong Vice Mayor sa bayang nabanggit.

Tumakas naman ang suspek na nakila­lang si Robert Amoranto, nasa hustong gulang, residente din ng Lavanya Subdivision at security sa home owners association.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen, alas-6:30 ng gabi ay nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang iba pang mga kapitbahay nang magtalo ang dalawa sa parking space.

Naawat naman ang mga ito kung saan nagpasya nang umuwi ang biktima upang umi­was sa gulo.

Nang nasa bahay na ang biktima ay duma­ting ang suspek at mu­ling kinompronta ang una na nauwing muli sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang huli at pinagbabaril ito. Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

Lumalabas sa im­bestigasyon na noong umaga nang araw na iyon ay nagkasagutan ang dalawa hinggil sa sasakyan ng biktima na nakaparada sa bas­ketball ng subdivision na nakakasagabal.

BISE ALKALDE

SUSPEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with