_ngayon
^

Probinsiya

Magdyowa timbog sa P.4 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng mag-live in partner na kabilang sa talaan ng mga bagong perso­nalidad na sangkot sa illegal drug trade makaraang malambat sa anti-drug operation ng pulisya sa C.M Recto St., Barangay 4 ng lungsod na ito, nitong Sabado.

Kinasuhan na ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kinilalang sina Christian Pureza, 27 at Shiela Mae Villena, 52, mga residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ni P/Col. Joel Villanueva, director ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), isinagawa ng mga ope­ratiba ng Quezon Police-Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation laban sa naturang mister at kinakasamang babae sa naturang lugar dakong alas-8:05 ng umaga.

Nakumpiska sa mga suspek ang hinihina­lang shabu na tumi­timbang ng 23.2 gramo at nagkakahalaga ng P473,280.00, at P500 marked money na ginamit sa buy-bust.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with