^

Probinsiya

‘Bikoy Advincula, ‘killer’ ng 3 katao sa Albay’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Phi­lippine National Police -Police Regional Office 5 (PRO 5) na si dating whistleblower na si Peter Joemel “Bikoy” Advincula ang responsable sa pagpatay sa tatlong personalidad na nadiskubre sa isang paupahang establishment sa Daraga, Albay noong Nobyembre12.

“The DMPS have convinced the legal body/court base on the facts and circumstances and evidences collected by our vigilant investigators that the culprit for the murder of 3 political candidates of donsol is peter joemel advincula aka Bikoy,” mensahe ni PRO-5 regional police director BGen. Jonnel Estomo.

Sinabi ni Estomo na sa nasabing development, kanila nang itinuturing na “case solved” na ang nasabing krimen.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Helen Advincula Garay, incumbent municipal councilor ng Donsol, Sorsogon; Karren Averilla at Xavier Alim Mirasol pawang mga kandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng Donsol para sa 2022 national and local election.

Itinurong salarin si Advincula nang i-report sa pulisya ng isang Lalaine Herrera ang tangkang pagdukot sa kaniya ng salarin.

Matatandaang si Advincula na tinawag na “hooded man” ang nagpakalat ng video ng umano’y pagkakasangkot ng pamilya Duterte sa illegal drug trade.

ALBAY

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with