^

Probinsiya

Ex-prexy ng mining firm inambus

Ben Serrano - Pilipino Star Ngayon

BUTUAN City, Philippines — Pinagbabaril ng hindi pa naki­lalang mga suspek ang dating presidente ng PHILSAGA Mining Corporation sa naganap na ambush sa Brgy. Sta. Cruz, Bunawan, Agusan del Sur, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si retired Col. Samuel Afdal na ligtas na sa kapahamakan matapos maalis ang mga bala sa katawan nito.

Sa ulat na nakarating kay Agusan del Sur Provincial Police Office director Col. Ruben B. Delos Santos na ang biktimang si Afdal na dating pa­ngulo ng nasabing mining firm ay mayroon nang sariling mining area sa nasabi rin lalawigan.

Nabatid na nagsasagawa ng inspeksyon si Afdal sa mining area sa Barangay Sta. Cruz, Rosario nang siya ay pagbabarilin ng dalawang lalaki.

Nabatid na ang PHILSAGA ay inirereklamo ng indigenous people tungkol sa bayarin ng royalty fees sa kanilang ancestral lands.

PHILSAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with