^

Probinsiya

Rider na tanod sumalpok sa puno, dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Namatay noon din ang isang barangay tanod matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa puno sa kahabaan ng Molino-Paliparan Diversion Road,Brgy.Salawag ng lungsod.

Kinilala ang nasawi na si Miguel Gatillo  Jr., 64, may-asawa,residente ng Blk 34, Lot 21, Phase 2, Golden City 1, Dasmariñas City ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente,alas-9:00 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at bumabagtas sa nasabing lugar nang biglang nawalan ito ng kontrol at sinalpok ang malaking puno sa gilid ng highway.

Nagkabali-bali ang mga buto at halos nadurog din ang bungo ng biktima sa lakas ng pagkakasalpok nito.

Nabatid na papauwi na sana ang biktima galing sa magdamagang duty nito bilang isang barangay tanod nang maganap ang insidente.

Hinala ng pulisya na inantok ang biktima habang ito ay nagmamaneho kaya’t nawalan ng kontrol at diretsong sumalpok sa puno.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with