^

Probinsiya

Higit 20K dose ng bakuna inaasahang darating

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCBAN, Quezon, Philippines — Humigit kumulang na 20,000 dose ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ang inaasahang darating nga­yong linggo sa ba­yang ito.

Ayon kay Mayor Olivier Dator, magpapadala ang pamahalaang nas­yonal ng mga bakunang gawa ng Sinovac, Mo­derna, at Pfizer upang ipamahagi sa mas ma­rami pang residente sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito ay sini­mulan na ang registration para sa mga residente na nais magpabakuna.

Dahil mas mara­ming residente ang ina­asahang magpapabakuna, binuksan na rin ng lokal na pamahalaan ang PEL Covered Court bilang karagdagang mega vaccination site sa kanilang bayan.

Patuloy naman ang bakunahan sa mga fixed vaccination site sa Southern Luzon State University, at Rural Health Unit. Umiikot na rin ang Vaccination Karaban ni Oli sa mga Barangay upang mailapit ang mga bakuna sa mas maraming residente.

Siniguro ng alkalde­ na sisikapin nilang sa­bay-sabay na ma­ka­pagbakuna sa lahat ng kanilang vaccination site upang mapabilis­ ang usad ng vacci­na­tion program sa ka­nilang bayan

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with