^

Probinsiya

Tribu ng kababaihan, tuloy ang paghahabi sa gitna ng pandemya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Nueva Vizcaya, Philippines — Sa kabila ng nararanasang pandemya na dulot ng COVID-19 ay patuloy pa rin ang ilang mga kababaihan sa pag­hahabi sa mga katutubong kasuotan sa Barangay Runruno sa bayan na ito.

Ang nasabing programa ay unang binuo at pinondohan ng FCF Minerals Corp., na naka­base sa nasabing lugar upang mabigyan ng karagda­gang hanap-buhay ang mga katutubong mga kaba­baihan sa lugar.

Ayon kay James Carmichael, FCF Minerals­ country manager, ang nasabing proyekto ay ba­hagi ng kanilang social development ma­nagement program (SDMP) sa pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal ng barangay.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang tribu na naninirahan sa lugar ay binuo nila ang Runruno Indigenous Peoples Organization (RIPO) bilang isang oraganisasyon na gagawa ng mga katutubong mga kasuotan at iba pang mga kagamitan bilang pagtaguyod at pagpapahalaga sa mga nakagisnang kultura at tradisyon ng kanilang mga tribu.

Kabilang sa mga hinahabi ng mga kababa­ihan ay ang mga bahag para sa lalaki, tapis at damit para sa mga kababaihan, mga palamuti at kwentas, sash sa mga okasyon, katutubong mga cheleko at iba pang mga ethnic na kagamitan.

Ayon kay Tonette Dumapi, 65, isa sa mga miyembro ng RIPO, bagama’t tinulungan sila ng FCF Minerals para sa pagbili ng kanilang mga kagamitan, bahagyang humina naman ang mga pangangailangan sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with