_ngayon
^

Probinsiya

Kotse, sumalpok sa poste ng LRT-2; driver, tepok!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kotse, sumalpok sa poste ng LRT-2; driver, tepok!
Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang nakilala lang na si Mark Russel Aguado dahil sa tinamong matinding pinsala sa kanyang ulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang patay nang sumalpok ang kanyang minamanehong kotse sa poste ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Brgy. Mayamot, Antipolo City kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang nakilala lang na si Mark Russel Aguado dahil sa tinamong matinding pinsala sa kanyang ulo.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong ala-1:40 ng mada­ling araw nang maganap ang aksidente sa tapat ng isang gasolinahan sa Marcos Highway, sa Brgy. Mayamot.

Ayon sa testigong si Ver Consolacion, masyado umanong mabilis ang takbo ng Honda Civic na minamaneho ng biktima patungong direksiyon ng Masinag.

Pagsapit sa lugar ay dito na nawalan ng kontrol ang driver sa mani­bela at bumangga ang sasakyan nito sa poste ng LRT-2.

Sa tindi ng pagsalpok ay nagpaikot-ikot ang sasakyan ng biktima sanhi upang magtamo ito ng matinding pinsala sa ulo.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Brgy. Mayamot Rescue ngunit dead-on- the-spot na ang biktima.

RUSSEL AGUADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with