_ngayon
^

Probinsiya

4 lider ng NPA, 3 tauhan sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 lider ng NPA, 3 tauhan sumuko
Kinilala ni Major Jekyll Julian Dulawan, spokesman ng Army’s 5th Infantry Division (ID) ang mga nagsisukong sina alyas Ka Nethan, 29, Squad Leader; alyas Ka Gerber, 26, Squad Vice Leader; alyas Ka Jazzel, 27; pawang ng Squad Uno; alyas Ka Rey, 27, Team Leader ng Squad Dos; alyas Ka Rod, 51 ng Squad Tres; pawang ng Regional Sentro de Grabidad ng Regional Operations Command under Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).
Interaksyon/File

MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang apat na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at tatlong tauhan nito sa magkakahiwalay na lugar sa Ilagan City, Isabela at Nueva Vizcaya, kamakalawa.

Kinilala ni Major Jekyll Julian Dulawan, spokesman ng Army’s 5th Infantry Division (ID) ang mga nagsisukong sina alyas Ka Nethan, 29, Squad Leader; alyas Ka Gerber, 26, Squad Vice Leader; alyas Ka Jazzel, 27; pawang ng Squad Uno; alyas Ka Rey, 27, Team Leader ng Squad Dos; alyas Ka Rod, 51 ng Squad Tres; pawang ng Regional Sentro de Grabidad ng Regional Operations Command under Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).

Samantala sa Nueva Vizcaya, sumurender din si alyas Ka Rod, Medical Officer ng West Front Committee, Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan sa PNP-Region 2 at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ayon kay Julian, nagdesisyong sumuko ang apat na lider at tatlo nilang miyembro matapos na mapagtanto na mali ang idelohiyang kanilang ipinaglalaban.

Pagod na rin umano ang mga ito sa hirap at gutom na tinitiis sa kabundukan.

Isinurender din ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang Elisco M16 rifle, isang Bushmaster M16 rifle, isang M16 A1 rifle na may maikling magazine at may 15rounds ng bala gayundin ang isang cellphone.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masu­sing tactical interrogation ng tropa ng militar ang mga sumukong rebelde.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with