_ngayon
^

Probinsiya

2 obrero dedo sa pamamaril

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Kapwa patay ang dalawang trabahador ng vulcanizing shop matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga salarin kamakalawa ng gabi sa Barangay Malabanban Norte sa bayang ito.

Ang dalawang  biktima na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang sina Michael Fuentes, 40 at Jerome Maraon, 28, kapwa mga binata at residente sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:00 ng gabi habang nasa loob ng EM Radora vulcanizing shop ang mga biktima at nanonood ng isang programa sa telebisyon nang dumating ang hindi nakikilalang mga salarin.

Pagkakita umano sa mga biktima ay walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo at nang bumulagta ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with