_ngayon
^

Probinsiya

Babaeng angkas durog ang ulo sa tanker truck

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Babaeng angkas durog ang ulo sa tanker truck
Kinilala ang namatay na si Jonabel Catahan, 30-anyos ng Barangay Mandama ng nabanggit na bayan habang sugatan naman ang kasamang driver.
Philstar.com/John Nicole Villamayor

HERMOSA, Bataan, Philippines — Nadurog ang ulo ng isang back rider nang araruhin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng  paparating na tanker truck sa Roman National Road sa Barangay Palihan sa ba­yang ito, kamakalawa ng umaga

Kinilala ang namatay na si Jonabel Catahan, 30-anyos ng Barangay Mandama ng nabanggit na bayan habang sugatan naman ang kasamang driver.

Sa inisyal na im­bestigasyon, alas-9:00 ng umaga ay binabaybay ng dalawang biktima ang nasabing highway kung saan mula sa kanilang likuran ay paparating ang humaharurot na tanker track na kung saan ay nahagip ang motorsiklo at pumailalim si Catahan.

Habang tumilapon naman sa di kalayuan ang rider na si Philip Bermudo, 23, nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan.

Kaagad ding nasawi si Catajan matapos magulungan ang ulo ng tanker truck.

Nahaharap naman ang driver ng truck na si Rey Hemota sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury na nasa kustodiya ng pulisya.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with