_ngayon
^

Probinsiya

Mag-asawang senior, patay sa sunog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang senior, patay sa sunog
Ayon kay Maramag Police Station commander Lt Col Julius Clark Macariola, ang mga biktima ay nakila­lang sina Fedencio, 89 at Condrada Joromat, 83, kapwa residente sa Purok 15, CMU-Musuan, Brgy. Dologon, Maramag, Bukidnon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa napabaya­ang kandila, patay ang mag-asawang senior ci­tizen nang masunog  ang  kanilang bahay  ka­­makalawa ng gabi sa Maramag, Bukidnon.

Ayon kay Maramag Police Station commander Lt Col Julius Clark Macariola, ang mga biktima ay nakila­lang sina Fedencio, 89 at Condrada Joromat, 83, kapwa residente sa Purok 15, CMU-Musuan, Brgy. Dologon, Maramag, Bukidnon.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon na dakong alas-9:00 ng gabi nang  mawalan ng kuryente sa bahay ng mag-asawa kaya gumamit na lamang pansamantala ng  kandila.

Subalit, makalipas ang ilang oras, laking­ gulat na lamang ng mga apo ng mag-asawa na lumiliyab na ang buong kabahayan kaya unang pinalabas ng bahay ng mag-asawa­ ang mga bata.

Sa bilis ng pagkalat ng apoy, hindi na nagawa pang makalabas ng mag-asawa at nakasama ang mga itong nasunog.

POLICE STATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with