_ngayon
^

Probinsiya

Lider ng drug group, 4 kasama tiklo sa P1.7 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lider ng drug group, 4 kasama tiklo sa P1.7 milyong shabu
Kinilala ang mga suspek na sina Feli­zardo Nablo Bryan, alias Bryan, 31, residente ng #149C Gawaran St. Brgy. Digman, Bacoor City Cavite, High Value Individual, Regional Priority List - PRO 4A at lider ng Bryan Felizardo Drug Group; Ordoñez Geraldo, 48, residente ng 2215 Sgt Dante St. Brgy Aplaya,Binakayan, Kawit, Cavite;Recardo Mahilum, alias ‘Arkad’ 40, residente ng Apla­yang Munti, Cavite City; Richard De Alca, 33; at Queenlie Mata, 20; ng Brgy. Habay 1, Terona Highway, Bacoor City.
KJ Rosales

GENERAL TRIAS CITY, Cavite MANILA, Philippines —  Bumagsak sa mga kamay ng pulisya ang lider ng ‘Bryan Felizardo Drug Group at 4 nitong kasama sa isang malawakang drug bust na ikinasa ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa NIA Open Canal Road Brgy. Pasong Camachille 2 ng lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Feli­zardo Nablo Bryan, alias Bryan, 31, residente ng #149C Gawaran St. Brgy. Digman, Bacoor City Cavite, High Value Individual, Regional Priority List - PRO 4A at lider ng Bryan Felizardo Drug Group; Ordoñez Geraldo, 48, residente ng 2215 Sgt Dante St. Brgy Aplaya,Binakayan, Kawit, Cavite;Recardo  Mahilum, alias ‘Arkad’ 40, residente ng Apla­yang Munti, Cavite City; Richard De Alca, 33; at Queenlie Mata, 20; ng Brgy. Habay 1, Terona Highway, Bacoor City.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi nang ilatag ng pinagsanib na pu­wersa ng SOU-4A, PNP DEG (lead Unit), PDEA-Cavite, Bacoor City Police Station, at General Trias City Police Station ang malakihang buy-bust laban sa suspek.

Sa kahabaan ng Open Canal at katabi ng isang gasolinahan naganap ang drugdeal kung saan dumating ang mga suspek bitbit ang droga ng iniskor ng umaktong buyer.

Nang magpostibo ang transaksyon dito na dinakma ng pulisya ang mga suspek at nakuhanan ang mga ito ng mahigit sa 250 gramo ng shabu na aabot sa P1,700,000 milyong piso.

NIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with