_ngayon
^

Probinsiya

Mister dedo, misis sugatan sa bayaw

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Mister dedo, misis sugatan sa bayaw
Kinilala ng pulisya ang nasawing mister na si Joey Gobyang habang ang misis naman na nasugatan ay nakilalang si Carmen Gobyang, 33, kapwa residente ng Upper Lubo sa nabanggit na bayan.
STAR/ File

TABUK CITY, Kalinga , Philippines — Patay ang isang mister habang sugatan naman ang kanyang misis matapos silang barilin ng kapatid na lalaki na umawat sa kanilang pag-aaway, naganap kamakalawa sa  bayan ng Tanudan sa lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawing mister na si Joey Gobyang habang ang misis naman na nasugatan ay nakilalang si Carmen Gobyang, 33, kapwa residente ng Upper Lubo sa nabanggit na bayan.

Batay sa ulat, nag-aaway umano ang mag-asawang ­Gobyang nang dumating si Milandro Maslang, 40, kapatid ni Carmen at umawat sa away ng mag-asawa.

Hindi nagustuhan ni Joey ang pag-awat ni Mislang kaya’t sa inis ay itinulak niya ito na na­ging dahilan para masaktan ang huli at binunot ang baril at pinaputukan ng tatlong beses ang una.

Dead on the spot si Joey matapos tamaan sa ulo habang sugatan din sa ulo ang kanyang misis na posibleng aksidenteng natamaan ng bala mula sa isang cal. 45 na baril.

Boluntaryo namang  sumuko sa pulisya ang suspek matapos ang ­insidente.

MISLANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with