_ngayon
^

Probinsiya

NPA rebel patay sa ­engkuwentro

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LUPI, Camarines Sur , Philippines — Isang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay nang makaengkuwentro ang tropa ng pamahalaan sa bulubunduking lugar ng Brgy. San Vicente ng bayang ito,kamakalawa ng hapon.

Naibaba na sa bayan at patuloy na ­inaalam ang pagkaka­kilanlan ng napatay na rebelde.

Nakuha sa lugar nang engkwentro ang tatlong pampasabog, mga bala, cellphone,mga personal na gamit at subersibong dokumento.

Sa ulat ng Camp Gen. Simeon Ola,ala-1:00 ng hapon, magkatuwang na nagsasagawa ng police at military o­peration ang mga tauhan ng Military Intelligence Company,  96 Infantry Batallion ng Philippine Army, PNP Special Action Force, Provincial Mobile Force Company at Camarines Sur Police Provincial Office sa boundary ng Brgy. San Vicente, Lupi at San Lorenzo Ruiz,Camarines Norte nang masalubong nila ang 20-bilang ng mga NPA.

Agad nagkaputukan ang magkabilang panig na umabot halos ng 25-minuto na ikinasawi ng rebelde kaya’t napilitang tumakas patungo sa iba’t ibang direksyon ang mga kasama nito.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with