^

Probinsiya

Ipo dam nagpakawala na ng tubig dahil kay ‘Jolina’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpakawala na ng tubig ang Ipo dam sa Bulacan matapos na tumaas ang lebel nito dulot ng walang puknat na pag-uulan na dala ng bagyong Jolina. 

Ayon sa PAGASA, dulot ng mga pag-ulan,  umabot na sa 101.23 meters ang water level sa dam o lampas na sa spilling level na 101 meters kaya’t nagpakawala na ng tubig ang Ipo Dam Management . 

Alas-8 ng umaga nagsimulang magpakawala ng tubig ang Pag Asa sa Ipo dam ng may 55 cms.

Pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa mababang lugar malapit sa Angat riverbank tulad sa  Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at  Hagonoy na maging alerto dahil sa patuloy na pagpapakawala ng tubig sa dam dahil sa patuloy na pagtaas ng water level ng dam dala ng patuloy na pag-ulan doon.

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with