^

Probinsiya

Isang barangay sa Tantangan, South Cotabato nilubog ng baha

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Isang barangay sa Tantangan, South Cotabato nilubog ng baha
Photo shows a pedestrian crossing a flooded Taft Avenue in Manila following continuous rains dated July 15, 2021
The STAR/Krizjohn Rosales, file

KORONADAL CITY, Philippines — Daan-daang pamilya ng isang barangay sa bayan ng Tantangan,South Cotabato ang apektado ng malawakang pagbaha hanggang beywang dahil sa walang tigil na buhos ng ulan,kamakalawa.

Ayon kay Rolly Aquino, acting South Cotabato provincial disaster risk reduction and management officer, na kahapon ay rumesponde ang kanilang grupo  upang matingnan ang kalagayan ng mga residente ng Barangay Dumadalig,Tantangan na naapektado ng pagbaha.

Nabatid na ang Tantangan ay sobrang layo mula sa lungsod na kung saan nandoon ang kapitolyo ng lalawigan ng South Cotabato.

Sa nakuhang ulat ni Aquino, na ang nasabing barangay ay pasukin ng malakas na tubig baha.

Nabatid na ang mga residente ng barangay ay una na ring nabiktima ng flashfloods may tatlong buwan na ang nakakalipas.

Agad na nag-utos si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. sa PDRRMO na magsagawa ng relief operations sa mga residents ng Barangay Dumadalig habang ­inaalam pa ang danyos.  

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with