^

Probinsiya

Tirador ng motor dedo sa shootout

Ramon Efren Lazaro - Pilipino Star Ngayon

NAMPICUAN, Nueva Ecija, Philippines — Isang hindi pa kilalang lalaki na umano ay magnanakaw ng motor ang napatay ng mga otoridad sa isang dragnet ­operation, kamakalawa sa bayang ito.

Sa ulat na nakara­ting kay P/Col. Rhoderick Campo, acting police director ng Nueva Ecija, na ang motorsiklo na­­ pag-aari ng isang Christopher Fernandez ay ninakaw, alas-9:30 ng gabi sa Barangay Alemania ng ba­yang ito.

Kaya naman ay nagsagawa ng dragnet ­operation ang mga otoridad laban sa suspek na namataan sa Barangay Cabawangan,dakong alas-11:31 ng gabi at sa halip na huminto ay pinaandar nito ang motor.

Kaya naman ay hinabol ng mga pulis ang  suspek at nang makorner na ay nagbunot ito ng baril at pinutukan umano ang mga pulis.

Kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek na nasamsaman ng baril at ang ninakaw nitong motorsiklo.

NUEVA ECIJA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user