^

Probinsiya

3 miyembro ng pamilya, patay sa COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 miyembro ng pamilya, patay sa COVID-19
Ayon kay Bansud Vice Mayor Tolentino, kasalukuyang mayro­ong 51 pamilya ang apektado at isasailalim sa home quarantine o granular lockdown sa nasabing lugar.
AFP / Ted Aljibe

Sa loob ng 24 oras…

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng pamilya ma­tapos na magpositibo sa Covid-19 at sa loob lamang ng 24 oras sa Barangay Villa Pag-asa sa Bayan ng Bansud, Oriental Mindoro.

Ayon kay Bansud Vice Mayor Tolentino, kasalukuyang mayro­ong 51 pamilya ang apektado at isasailalim sa home quarantine o granular lockdown sa nasabing lugar.

Sa ulat, agad inili­bing ang mga namatay nang hindi nasisilayan ng ilang kamag-anak at mga kaibigan dahil positibo ang mga ito sa nakakahawang virus.

Paalala ng opisyal na mag-ingat at sumunod sa minimum health protocols tulad ng pagsuot ng face mask, face shield at physical distancing kapag nasa labas ng bahay dahil nasa paligid lamang ang banta ng virus.

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with