_ngayon
^

Probinsiya

Rider utas, angkas sugatan sa pamamaril

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Rider utas, angkas sugatan sa pamamaril
Kinilala ang nasawi na si Rasul Samad, 33- anyos, may asawa habang sugatan naman ang angkas nitong si Michael Ibrahim, 24- anyos, pawang mga residente ng Brgy. Inug-ug, Pikit.
STAR/File

PIKIT, North Cotabato, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa pa­gamutan ang isang rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos pagba­barilin sila ng hindi pa kilalang mga suspek sa Brgy. Dalingaoen ng bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Rasul Samad, 33- anyos, may asawa habang sugatan naman ang angkas nitong si Michael Ibrahim, 24- anyos, pawang mga residente ng Brgy. Inug-ug, Pikit.

Sa ulat mula Pikit PNP, pasado alas-10:00 ng umaga habang binabaybay ng dalawa ang Poblacion highway sakay ng kanilang Honda XRM 125, ay bigla na lamang silang nilapitan ng salarin at pinagba­baril.

Nagtamo ng ma­ra­ming tama ng bala sa katawan ang da­lawa.

Naisugod pa ang mga ito sa pagamutan pero sinawimpalad si Samad habang nagpapagaling pa naman si Ibrahim.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with