^

Probinsiya

5 kelot, lola tiklo sa droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
5 kelot, lola tiklo sa droga
Nasamsam sa mga suspek ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P360,000.00.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Limang kalalakihan  sa Lucena City at isang lola sa Albay ang naares­to ng mga otori­dad sa magkahiwalay na anti-drug operation.

Batay sa ulat, isinagawa ang buy bust operation, alas-11:15 ng gabi at dito ay na­aresto ang magkapatid na sina Hermie, 24; at Reymark Masinag, 25, Ariel Hernandez, 27, Neil Ron Coladilla, 23 at Mar Jay Halili, 29, pawang mga residente ng  Purok Bagong Buhay, Barangay Ibabang Talim, Lucena City.

Nasamsam sa mga suspek ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P360,000.00.

Sa Tabaco City, Albay ay naaresto ang 65-an­yos na lola na si Sonia Gravamen Berces, kilala sa alyas na “Lola Sonia”, residente ng Purok-5, Brgy. Cormidal.

Sa ulat, alas-5:26 ng hapon ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy bust operation ng mga otoridad at nang iabot ni Lola Sonia ang biniling isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,500 sa poseur buyer ay mabilis itong inaresto.— Jorge Hallare

LUCENA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with