^

Probinsiya

Suspek sa rape-slay ng 12-anyos, utas sa parak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa rape-slay ng 12-anyos, utas sa parak
Kinilala ang suspek na si Ricky Balindan Abo­nete, 29-anyos, residente ng Brgy. San Antonio Ogbon.
STAR/ File

Nang-agaw ng baril ng hepe

NABUA, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isa sa dalawang suspek sa panghahalay at brutal na pagpatay sa 12-anyos na batang babae matapos mang-agaw umano ng baril ng mismong hepe ng police station kasunod ng kanyang pagsuko sa Poblacion-Diversion, Nabua ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Ricky Balindan Abo­nete, 29-anyos, residente ng Brgy. San Antonio Ogbon.

Pinaghahanap naman ang kasama ni Abonete na itinuturo nitong may kagagawan sa karumal-dumal na krimen.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon kamakalawa ay sumuko si Abonete makaraang matagpuan ang sinasabing chop-chop at naaagnas na katawan ng batang biktimang si Trixia Mae Samson, residente ng Brgy. San Antonio Ogbon sa madamong bahagi malapit sa kalsada ng Brgy. Bustrac.

Ang biktima ay unang­ iniulat na nawawala hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay at nawawala na ang isang kamay at binti nito na hinihinalang pinutol ng mga salarin.

Ayon sa pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi habang iniimbestigahan ay nahalata ng mga pulis­ ang pabagu-bagong pa­hayag ng suspek at big­lang sinunggaban ang nakasukbit na baril ng hepe na si Major John Divino Pelea kaya mabilis na binaril ito ng isa sa pulis na kanyang agarang ikinasawi.

Bago napatay ang sus­pek, sinabi umano nito sa mga pulis na ang kasama­ niya ang humalay sa bata. Pinatay umano ang biktima sa pamamagitan ng paghampas sa kanyang ulo, dibdib at braso gamit ang isang matigas na bagay.

Gayunman, pinabula­anan ng napatay na suspek na pinagputul-putol nila ang katawan ng bik­tima na posibleng nilapa umano ng aso ang kamay at binti nito.

RICKY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with