_ngayon
^

Probinsiya

Madugong buy-bust sa Bulacan P510 milyong shabu nasamsam, Chinese utas!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Madugong buy-bust sa Bulacan P510 milyong shabu nasamsam, Chinese utas!
Ang napatay na Chinese national na si Zi Shen Wu (inset) at mga nakum­piskang 75 kilong shabu sa isinagawang drug operation ng PDEA at Bulacan Police sa Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan kamakalawa.
Omar Padilla

BALAGTAS, Bulacan – Tinatayang nasa P510 milyong halaga ng shabu na nakabalot sa pakete ng tsaa ang nasamsam sa isang hinihinalang bigtime Chinese drug trafficker na napatay matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa isang warehouse sa Brgy. Santol ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, ang napatay na dayuhan na si Zi Shen Wu, residente ng Brgy. Santol habang nakatakas ang kasamahan nitong si Cheng Hongli.

Ayon kay Agent Dheo Aurio Tabor, provincial officer ng PDEA-Bula­can, dakong alas-5:40 ng hapon nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bulacan Intelligence Unit at Balagtas Police sa Warehouse No. 3 Grand SG Summit Development Corp. compound sa nasabing barangay.

Nakatunog umano ang suspek na undercover agent ang katransaksyon sa bentahan ng droga kung kaya kumasa at nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad na siya nitong ikinamatay.

Nakumpiska dito ang may 75 kilo ng shabu na nasa loob ng Green Tea bags na nagkakahalaga ng P510 milyon, isang cal .45 pistol, dalawang cellphone, dalawang IDs at boodle money na ginamit sa buy-bust money.

Nauna rito, tatlong Chinese ang naaresto ng PDEA sa buy-bust operation sa Brgy. San Bartolome sa Novaliches, Quezon City, na nagresulta sa pagkakumpiska ng 127 kilo ng shabu na may halagang P863.6 milyon. Sumunod na nasamsam ang 15 kilong shabu na nasa P102 milyon ang halaga sa buy-bust naman sa Brgy. Paso de Blas, Valenzuela City na ikinaaresto ng isa pang Chinese na si Joseph Dy.

Naniniwala si PDEA Director General Wilkins Villanueva na may kaugnayan sa isa’t isa ang tatlong naturang mga grupo sa illegal drug trade.- Mer Layson at Doris Franche

DRUG BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with