_ngayon
^

Probinsiya

2 Delta variant cases naitala sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 Delta variant cases naitala sa Nueva Ecija
Ang una ay isang overseas Filipino worker (OFW) na umuwi galing sa Riyadh, Saudi Arabia at taga-San Leonardo, NE, habang ang ikalawa ay mula sa bayan ng Talavera na kinategoryang local transmission matapos na makakuha umano ng virus sa pinagtatrabahuhan nito sa lalawigan ng Bataan.
AFP/Arun Sankar

14-day border control restrictions ipatutupad

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nakatakdang ilagay ng pamahalaang panlalawigan ang buong probinsiya ng Nueva Ecija sa ilalim ng 14-day border control restrictions na magsisimula sa Agosto 6 hanggang Agosto 20 kasunod ng pagkakatala ng lalawigan sa unang dalawang kaso nito ng kinatatakutang Delta variant ng COVID-19. 

Sa isang press conference na ginanap sa Old Capitol Building kahapon, isiniwalat ni Gov. Aurelio Umali na ang dalawang Delta variant carrier ay kapwa lalaki.

Ang una ay isang overseas Filipino worker (OFW) na umuwi galing sa Riyadh, Saudi Arabia at taga-San Leonardo, NE, habang ang ikalawa ay mula sa bayan ng Talavera na kinategoryang local transmission matapos na makakuha umano ng virus sa pinagtatrabahuhan nito sa lalawigan ng Bataan.

“Naka-isolate na po yong dalawang pasyente at maituturing na recovered na po sila. Sa kasalukuyan po ay nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha nila,” sabi ni Umali.

Dahil dito, nagsiguro na ang pamunuan ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force (NEIATF) upang huwag nang kumalat pa ang nasabing variant ng virus na sinasabing airborne kaya ipinalabas ang Resolution No.2 nitong Agosto 1, 2021, na naglalayong paigtingin ang “prevention” ng Delta variant sa pamamagitan ng border restrictions.

Sinabi ni P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police Provincial Office director, inatasan sila ng NEIATF, na pinamumunuan ni Gov. Umali na pangsiwaan ang 15 border control points na nagsimula nang mag-dry run noong Linggo ng gabi, Agosto 1, at magsisimulang maghigpit sa alas-12 impunto ng Agosto 6.

Sa nasabing resolusyon, ang mga hindi residente ng Nueva Ecija ay kailangang magpakita ng negative result ng RT-PCR saliva-test, tatlong araw bago dumaan; NEIATF-issued border pass; IATF-issued APOR pass (Authorized Person Outside Residence), o COVID-19 vaccination card.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with