_ngayon
^

Probinsiya

3 pa patay sa dengue sa Zambales

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
3 pa patay sa dengue sa Zambales
Ayon kay Zambales Health Officer Dr. Noel Bueno, sa kabuuan ay nasa 739 ang total cases ng dengue sa lalawigan at karamihan sa naitalang namatay ay mga bata.
AFP/File

IBA, Zambales, Philippines — Umakyat pa ang bilang ng talaan ng mga namamatay dahil sa dengue sa lalawigang ito matapos na madagdagan ng tatlong biktima, ayon sa Provincial Health Office kahapon.

Sa report, mula sa apat ay pito na ang naitatalang nasawi sa dengue sa lalawigan nang madagdagan ng tatlo.

Ang kaso ng dengue sa lalawigan ay nagsimula noong Enero hanggang Hulyo ng kasaluku­yang taon.

Ayon kay Zambales Health Officer Dr. Noel Bueno, sa kabuuan ay nasa 739 ang total cases ng dengue sa lalawigan at karamihan sa naitalang namatay ay mga bata.

Ayon pa kay Bueno, kung ikukumpara noong nakaraang taon, mahigit sa 200 lamang ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa kaparehong mga buwan na mas mababa kumpara sa mga tinamaan ng kasalukuyang buwan at taon.

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with