_ngayon
^

Probinsiya

Mister kinatay, binagsakan ng bato sa ulo ng karibal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mister kinatay, binagsakan ng bato sa ulo ng karibal

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister matapos na katayin at bagsakan pa ng bato sa ulo ng kanyang karibal matapos na sumugod ang una sa bahay ng kanyang dating kinakasamang babae kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Miguel 1, Dasmariñas City.

Pisak ang ulo at tadtad ng saksak ang biktima na si Mateo Rivera, 42, sanhi ng kanyang agarang pagkasawi habang ang suspek ay nakilalang si Lito Cabanag, 39, ng Blk. 35 Lot 14, Brgy. San Miguel 1, Dasamariñas City.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Gilbert Santos, alas-7:30 ng gabi nang magtungo ang biktima sa bahay ng dati nitong kinakasama na si Maricar Añoc na karelasyon naman ngayon ng suspek. Lasing na lasing umano ang biktima at gusto nitong makausap ang dating karelasyon.

 Gayunman, ang suspek ang humarap sa biktima hanggang sa magtalo ang dalawa. Dahil sa kakulitan ng biktima, nairita ang suspek at kumuha ng patalim saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ang karibal.

Hindi pa nakuntento, dumampot ng malaking tipak ng bato ang suspek at binagsakan pa niya sa ulo ang biktima.

Nagtangkang tumakas ang suspek subalit agad siyang nadakma ng mga rumespondeng tanod at dinala sa himpilan ng pulisya.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with