_ngayon
^

Probinsiya

Vulcanizing shop ginawang drug den: 11 timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Vulcanizing shop ginawang drug den: 11 timbog
Nakilala ang mga nadakip kabilang ang mismong may-ari ng nasabing vulcanizing­ shop na si Alberto Bendal, 34-anyos na siyang tar­get ng operasyon, kasama sina Jomel Sa­ramines, 21; Domingo Saramines Jr., 49, security guard; Mark Joseph Lopez, 25; Ro­derick Villa, 44; kap­wa installer ng isang telecom company; Ma­nuel Conde 48, traba­hador ng nasabing shop; Salvador Crucis, 41, em­pleyado rin ng shop; Judith Mallillin Monta­nes, 46, kasambahay; Edrick Pante, 28, technician; Julius de Castro, mekaniko at Jerico Umambi, 18.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Labing-isa katao kabilang ang isang negosyante ang dinakma matapos mahulihan ng ilegal na droga sa loob ng isang vulcanizing shop na gi­nawa umanong drug den sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Nakilala ang mga nadakip kabilang ang mismong may-ari ng nasabing vulcanizing­ shop na si Alberto Bendal, 34-anyos na siyang tar­get ng operasyon, kasama sina Jomel Sa­ramines, 21; Domingo Saramines Jr., 49, security guard; Mark Joseph Lopez, 25; Ro­derick Villa, 44; kap­wa installer ng isang telecom company; Ma­nuel Conde 48, traba­hador ng nasabing shop; Salvador Crucis, 41, em­pleyado rin ng shop; Judith Mallillin Monta­nes, 46, kasambahay; Edrick Pante, 28, technician; Julius de Castro, mekaniko at Jerico Umambi, 18.

Sa ulat, nakatanggap ng tip ang pulisya na may nagaganap uma­nong bilihan ng droga sa isang vulcanizing shop at matapos na i-surveillance ay agad na ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Phl Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cavite at Dasmariñas City Police dakong alas-3:20 ng hapon sa kahabaan ng Molino-Paliparan Rd., Brgy. Salawag.

Nang magpositibo ang bilihan ng droga, dito na pinagdadampot ang lahat ng nasa loob ng shop at ang iba ay naaktuhan pa umanong nagsasagawa ng shabu session.

Narekober sa ope­ras­yon ang mahigit 15 gramo ng shabu na nasa P150,000 ang halaga,  mga drug paraphernalia at isang cal. 22 pistol.

VULCANIZING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with