_ngayon
^

Probinsiya

Higit 150K ‘fully vaccinated’ na sa Bulacan laban sa COVID-19

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines — Simula nang magsimula ang pagbabakuna kontra COVID-19 noong Marso 8, 2021 sa Bulacan, nasa 150,073 Bulakenyo na ang nakatanggap ng kumpletong bakuna habang 335,153 naman ang nabigyan na ng unang dose, ayon sa tala nitong Hulyo 24, 2021.

Sa 772,398 na pinag­sama-samang dosage ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer and Janssen na tinanggap ng lalawigan, nasa 485,226 na ang kabuuang dosage na naipamahagi.

Binigyang diin ni Gob. Daniel Fernando ang ka­halagahan ng pagsunod sa minimum public health standards upang mapanatili at maitaas pa ang bilang ng mga gumaling sa lalawigan na base sa tala ng Provincial Health Office-Public Health ay nasa 95 porsyento o 41,114 mula sa kabuuang bilang na 43,337.

Hinikayat ni Fernando ang mga Bulakenyo na magparehistro para sa master listing https://doh.gov.ph/Vaccines o maki­pag-ugnayan sa ka­nilang mga lokal na pamahalaan para sa pagbabakuna.

Samantala, sa pi­na­kahuling tala nitong Hulyo 28, 2021, nasa 1,297 ang active cases ng COVID-19 sa Bulacan kung saan 170 dito ang bagong kaso, nasa 41,114 na ang gumaling habang 926 ang nasawi.

Muling isasailalim­ ang Bulacan sa General Community Quarantine with heightened restrictions mula Agosto 1 hang­gang 15 matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng  Inter-Agency Task Force (IATF) para sa bagong klasipikasyon ng qua­rantine.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with