_ngayon
^

Probinsiya

P4.3 milyong puslit na sigarilyo nasabat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng militar matapos masabat ang bulto-bultong puslit na sigarilyo na nag­kakahalaga ng P4.3 milyong sa isang checkpoint sa Brgy. Sangali, Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi. Sa report ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-6:40 ng gabi nang maharang ng mga sundalo ng 74th Infantry Battalion ng Philippine Army na nagbabantay sa checkpoint ang smuggled cigarettes sa Sitio Malasugat, Brgy. Sangali ng nasabing lungsod.

Ang nasabing siga­rilyo ay lulan ng kulay itim na Isuzu Elf truck na minamaneho ni Jay Villarosa, 43-anyos ng Brgy. Talon-Talon ng na­­banggit na siyudad kasama si Abby Ladjail, 31. Ang nasabing truck ay naglalaman ng 100 master cases ng siga­rilyo na tinatayang nasa P4.3 milyon ang halaga.

Nang hingan ng ka­ukulang dokumento, walang maipakita sina Vil­larosa at Ladjail bunsod upang kumpiskahin ng mga sundalo ang nasabing bultu-bultong siga­rilyo. Itinurnover na ng mga sundalo sa Zamboanga City Police Station (PS)-3 ang mga nakumpiskang sigarilyo bago ipinasa ito sa Bureau of Customs (BOC) para sa kaukulang disposisyon.

PRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with