_ngayon
^

Probinsiya

NPA commander todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang kumander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa Brgy. San Juan Daan, Bulan, Sorsogon nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala lang ang nasawi sa mga alyas na “Ka Cennon at “Ka Tikong”, kumander ng Sentro de Grabidad, Larangan 3, Komite ng Probinsya 3 ng NPA sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Captain­ John Paul Belleza­, spokesman ng Army’s­ 9th Infantry Division­ (ID), si Ka Cennon­ ay su­gatang naaresto­ at naisugod pa sa paga­mutan pero idineklarang dead-on-arrival.

Bandang alas-3:40 ng madaling araw, ayon kay Belleza nang ma­kasagupa ng tropa ng 22nd Infantry Battalion (IB) ng Phl Army ang tinatayang nasa 14 rebelde sa nasabing lugar.

“Na-captured siya initially tapos may tama pala, so pinilit idala sa hospital at i revived kaso DOA (Dead-on-Arrival) na”, ayon kay Belleza.

Narekober sa pi­nang­yarihan ng bakba­kan ang isang M14 rifle at anti-personnel mines.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with