_ngayon
^

Probinsiya

31 pasyente patay sa COVID-19 sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
31 pasyente patay sa COVID-19 sa Bataan

Sa loob lamang ng 8-araw

BALANGA, Bataan, Philippines — Tatlumpu’t isang pasyente ang namatay dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng nagdaang walong araw simula Hulyo 21 dahilan para pumalo sa 475 ang kabuuang bilang ng lahat ng mga nasawi sa lalawigang ito.

Pinakahuling tala ng mga nasawi, ayon sa huling ulat ng Provincial Health Office ay isang 68-taong gulang na babae mula sa lungsod ng Balanga; isang 75-anyos na babae mula sa Balanga City, isang 72-anyos na babae mula pa rin sa Balanga City; at isang 68-taong gulang na lalaki mula sa bayan ng Orion.

Lumalabas na nasa 1,732 naman ang aktibong kaso sa buong lalawigan matapos madagdagan ng 112 na panibagong nagpositibo.

Sa kabila nito, nasa 11,317 ang bilang ng mga gumaling na matapos maidagdag ang 22 na panibagong nakarekober.

Sa kasalukuyan, sumampa na sa 13,524 ang kabuuang bilang ng mga taong nahawaan ng COVID-19 sa buong lalawigan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with