_ngayon
^

Probinsiya

Higit 1K pulis ide-deploy sa ‘search and rescue’ sa CAR

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Higit 1K pulis ide-deploy sa âsearch and rescueâ sa CAR
Kalbaryo pa rin ang nararanasan ng mga taga-Macabebe, Pampanga na gumagamit na ng bangka dahil sa malalim na tubig-baha bunsod ng walang puknat na pag-ulan dulot ng habagat kahapon. (Kuha ni Jesse Bustos)
Jesse Bustos

BAGUIO CITY, Philippines — Magpapakalat si Cordillera Region Police chief Brig. Gen. Ronald Lee ng mahigit 1,000 pulis sa buong Cordillera Autonomous Region (CAR) upang tumulong sa “search and rescue operations” at “disaster management” kasunod ng mga pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan dahil sa habagat.

Ayon kay Lee, ang pagpapadala ng mga pulis sa mga apektadong lugar ay kasabay ng paniniyak ng lahat ng units ng Cordillera Police na handa sila sa pagsasagawa ng search and rescue equipment inspection at koordinasyon sa mga lokal na Disaster Risk Reduction Management Council para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente dahil sa kalamidad.

Nabatid na nasa 1,101 search and rescue-trained policemen ang naka-standby para sa anumang oras na deployment.

Sinabi ni Lee na mayroong 230 SAR-trained personnel ang nakahanda sa Abra; 95 sa Apayao; 104 sa Baguio; 201 sa Benguet; 113 sa Ifugao; 161 sa Kalinga; 118 sa Mountain Province; at 78 personnel ang naka-standby mula sa Regional Mobile Force Battalion 15 at regional headquarters ng Camp Bado Dangwa sa La Trinidad, Benguet.

Katuwang aniya ang mga pulis ng mga local government units at ibang ahensya ng pamahalaan sa mga road clearing ­operations para makapasok ang mga emergency response vehicles, relief operations at biyahe sa kanilang area of res­ponsibility.

Ang mga pulis ay tumutulong din umano sa relief operations at evacuation o paglilikas sa mga residenteng apektado ng mga pagbaha.

BAHA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with