^

Probinsiya

'Joint operation': PNP, PDEA sinindihan P5.2-M marijuanang nasabat sa Kalinga

James Relativo - Philstar.com
'Joint operation': PNP, PDEA sinindihan P5.2-M marijuanang nasabat sa Kalinga
Pumo-posing ang mga operatiba ng PNP at PDEA habang sinusunog ang mga nabistong tanim ng marijuana sa Kalinga, ika-29 ng Hulyo, 2021
Released/Philippine National Police

MANILA, Philippines — Pinagsusunog ng mga Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA ang milyun-milyong halaga ng iligal na marijuana sa probinsya ng Kalinga, bagay na parte ng gera kontra-droga ng gobyerno.

Huwebes ng umaga nang silaban sa joint PNP-PDEA anti-illegal drugs operation ang nasa P5.2 milyong halaga ng marijuana sa dalawang magkaibang plantasyon sa Kalinga. Tinatayang nasa 2,600 metro kwadrado ang mga taniman nito.

"Ang ating mga operatiba ay hindi titigil sa pagsasagawa ng paghahanap ng mga taniman ng iligal na droga gaya ng marijuana kung saan maraming buhay, pamilya, kinabukasan at pangarap ang sinira," ani PNP chief Police Gen. Guillermo Eleazar, Biyernes.

"Sa pamamagitan ng ating mas pinalakas na Cleanliness in the Community thru Intensified Cleanliness Policy ito ay ating mabibigyan ng atensyon at solusyon sa pakikipagtulungan ng ating publiko."

Matagal nang inilalaban ng mga marijuana advocates ang parehong medical at recreational use ng marijuana. Disyembre 2020 lang nang ihain ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang House Bill 3961 sa pag-asang maisasaligal na ang local production at exportation ng medical marijuana.

Libu-libong halaman ang sinunog

Ang naturang eradication operation ay isinagawa sa mga taniman ng Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga na nauwi sa pag-uproot at pagsira ng hindi bababa sa 6,000 full grown marijuana plants (FGJMP) sa Site 1. 

Tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 milyon ang halaga ng "weed" na natagpuan sa unang taniman. Sa Site 2, umabot sa 20,000 FGMJP ang nakumpiska na nagkakahalaga naman ng P4 milyon. Sa kabila ng lahat ng ito, walang naarestong magsasaka ng marijuana sa isinagawang anti-illegal drug ops.

Sa mga ulat na ibinase kay Cordillera Regional Director Police Brigadier General Ronald Lee, sinabi ni Eleazar na "jointly conducted" ng operating units ng sumusunod ang pagkakadiskubre at pagwasak sa dalawang plantation sites:

  • Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit (Lead Unit) Tinglayan Municipal Police Station
  • Kalinga Provincial Mobile Force Company(KPMFC)
  • Regional Intelligence Unit(RIU)-14
  • Regional Intelligence Division (RID)
  • Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) - PDEA Kalinga

Bakit sinusunog? Naha-'high' kaya sila?

Hinihingi ng Section 21(4) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na agad wasakin o sunugin ng PDEA ang mga makukumpiskang iligal na droga sa loob ng 24 oras.

Pero ano kayang epekto nito sa mga operatibang nagsisindi?

"Even if it isn't marijuana, naturally, you'll get a little dizzy when you burn something," ani Police Lt. Col. Cherrylou Donato, spokesperson ng PNP Drug Enforcement Group, sa panayam noon ng Philstar.com.

"Gamit sila double mask, pero kapag malakas ang hangin hindi maiwas na makalanghap din. Kaya pagdating sa kapatagan hugas at ligo agad mga operatives."

Una nang sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa, na noo'y hepe ng PNP, nitong Mayo na nakaka-frustrate ang ganitong probisyon ng batas. Nagdudulot daw kasi ito ng mga pulis na nai-involve sa kalakalan ng droga. 

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

KALINGA

MARIJUANA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with