_ngayon
^

Probinsiya

2 motor nagsalpukan: 1 utas, 1 kritikal

Cristina Timbang, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 motor nagsalpukan: 1 utas, 1 kritikal
Hindi pa nakilala ang nasawing rider na nakasuot ng black t-shirt, black short at nagmamaneho ng motor na Keeway­ Mi­tsukoshi na may plate #0401-1329165.
STAR/File

NAIC, Cavite, Philippines — Na­matay noon din ang isang rider habang kritikal ang isang rider matapos na magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo kahapon ng umaga sa kahabaan ng Antero Soriano Highway, Brgy. San Roque ng bayang ito.

Hindi pa nakilala ang nasawing rider na nakasuot ng black t-shirt, black short at nagmamaneho ng motor na Keeway­ Mi­tsukoshi na may plate #0401-1329165.

Habang kritikal ang kasalpukan nito na kasalukuyang ino­obserbahan sa pa­ga­mutan na nakilalang si Jeffrey Ciro, 26, resi­dente ng Poblacion II, Ternate, Cavite.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente, alas-6:00 ay binabagtas ng nasawing biktima ang nasabing highway patungo ng Maragondon habang kasalubong nito ang suspek na si Ciro na nagmamaneho rin ng motor for registration plate.

Kapwa may kabilisan ang patakbo ng dalawa at dahil na rin sa patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan hindi nagka­iwasan ang mga ito at tuluyang nagsalpukan.

Kapwa tumilapon ang dalawa at kahit na parehong naka-helmet, hindi pa rin nakaligtas ang biktima na sa ulo pa din napuruhan.

MOTORSIKLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with