_ngayon
^

Probinsiya

300 Novo Ecijanos tumanggap ng cash for work mula sa DSWD

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
300 Novo Ecijanos tumanggap ng cash for work mula sa DSWD
Ayon kay Gov. Aurelio Umali, doble ang benepisyo ng isasagawang pagtatanim ng gulay sa sariling likod-bahay ng mga benepisyaryo dahil may pang-ulam na ang kanilang pamilya ay makatutulong pa ito laban sa climate change na kinakaharap hindi lang ng bansa kundi ng buong mundo.
STAR/Walter Bollozos, file

GABALDON, Nueva­ Ecija, Philippines — Aabot sa 300 indibiduwal ang naging benepisyaryo ng cash for work mula sa labing-anim na barangay ng bayang ito makaraang tanggapin nila ang pay-outs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office III at pamahalaang panlalawigan na ginanap sa municipal gymnasium, noong nakaraang linggo.

Ayon kay Gov. Aurelio Umali, doble ang benepisyo ng isasagawang pagtatanim ng gulay sa sariling likod-bahay ng mga benepisyaryo dahil may pang-ulam na ang kanilang pamilya ay makatutulong pa ito laban sa climate change na kinakaharap hindi lang ng bansa kundi ng buong mundo.

Ang nasabing programa ay naglalayong­ makapagbigay ng sampung araw na pan­samantalang trabaho sa mga mamamayang kapos at walang mapagkukuhanan ng kabuhayan na may suweldong P300 kada araw.

Ayon naman kay Vice Governor Anthony­ Umali, ang progra­mang cash for work program na ito ay sa ilalim ng Risk Resi­liency Program on Climate Change Adap­tation and Mitigation Disaster Risk Reduction ng DSWD at ng NE Provincial govern­ment.

CASH DSWD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with