_ngayon
^

Probinsiya

Mister natupok sa sunog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister natupok sa sunog
Kinilala ang nasawi na si Benigno Topacio Barquilla, na natagpuan ng mga bumbero sa sulok ng nasunog niyang bahay.
STAR/File

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Isang 32-anyos na mister ang namatay matapos na makulong sa nasusunog niyang bahay sa Purok-6, Brgy. Paulba ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Benigno Topacio Barquilla, na natagpuan ng mga bumbero sa sulok ng nasunog niyang bahay.

Sa ulat, pasado alas-8:00 ng gabi nang magulantang ang ilang residente nang makitang naglalagablab na ang bahay ng biktima.

Mabilis na nakalabas ang kaanak na si Rica, pero naiwan ang biktima sa loob at tuluyang hindi nakalabas dahil sa lakas ng apoy.

Umabot ng isang oras ang sunog bago ito tuluyang naapula ng mga bumbero.

PATAY SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with