_ngayon
^

Probinsiya

Mga pulis, health workers na kukuha ng vaccines, niratrat

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niratrat ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sinasakyan ng mga pulis at health workers na kukuha lamang ng COVID-19 vaccines sa lalawigan ng Samar nitong Miyerkules.

Batay sa ulat mula sa PRO 8, lulan ng sa­sakyan ang mga tauhan ng Calbayog City Police Station at health workers ng Calbayog City Health Office at binabaybay­ ang daan patungong­ Department of Health Regional Office sa Tac­loban para sa mga bakuna nang paulanan ng mga bala ang kanilang sasakyan sa Barangay Lale, Pinabacdao ng lalawigan.

Sa kabutihang pa­lad ay naprotektahan ng kapulisan ang sakay nito at walang naitalang na­saktan.

Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar kay Police Regional Office Director Brig. Gen. Ronaldo de Jesus na hanapin ang mga salarin nang mabigyan ng karampatang legal na aksyon ang mga lider ng CPP-NPA-NDF sa lugar.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with