_ngayon
^

Probinsiya

Misis at apo iginapos trader ninakawan na, pinatay pa

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Misis at apo iginapos trader ninakawan na, pinatay pa
Kinilala ng Baggao Police ang biktima na si Reynante Jose, 60, isang kilalang negosyante ng “buy and sell” ng mga baka, kalabaw at mga baboy, at residente ng Brgy. Adaoag sa nasabing bayan.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matapos pagnakawan, walang awa pang pinatay ng limang armadong lalaki na naka-bonet ang isang negosyante habang iginapos ang kanyang misis at apo nang pasukin sila sa kanilang tahanan na nasa bulubundiking lugar sa Baggao, Cagayan, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Baggao Police ang biktima na si Reynante Jose, 60, isang kilalang negosyante ng “buy and sell” ng mga baka, kalabaw at mga baboy, at  residente ng Brgy. Adaoag sa nasabing bayan. 

Sa naantalang ulat, noong Sabado ng gabi ay matutulog na sana umano ang biktima kasama ang asawa at apo nang may tumawag sa kanya  at sinasabing namatay ang kanyang kapatid.

Dahil dito, agad umanong bumangon at binuksan ng biktima ang kanilang pintuan para tingnan kung sino ang nasa labas nang bigla siyang hilain palabas ng kanilang bahay habang ang ibang suspek ay pumasok naman at tinutukan ang misis nitong si Norma at humihingi ng pera.

Dala ng matinding takot, inilabas ni Norma ang kanilang pera na mahigit sa P300,000 at iniabot sa mga suspek.

Nang makuha ang salapi, tinalian ng mga suspek ang ginang at kanyang apo na menor-de-edad bago pinagpapalo sa ulo ang mister sanhi ng kanyang kamatayan.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with