_ngayon
^

Probinsiya

Ambulansya rumagasa sa isolation facility: 2 staff dedo, 1 pa sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ambulansya rumagasa sa isolation facility: 2 staff dedo, 1 pa sugatan
Kapwa dead-on-arrival sa Juban Rural Health Unit dahil sa matinding mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Nestor Don Habla at Celbert Don Grajo, kapwa 23-anyos, at residente ng Brgy. North Poblacion, Juban, Sorsogon.
Photo by camilo jimenez on Unsplash

JUBAN, Sorsogon, Philippines — Dalawang tauhan ng LGU COVID-19 isolation facility ang nasawi habang isa pa ang nasugatan matapos silang araruhin ng isang ambulansya na may mga sakay na pasyente sa mismong facility compound sa Brgy. Tughan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kapwa dead-on-arrival sa Juban Rural Health Unit dahil sa matinding mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Nestor Don Habla at Celbert Don Grajo, kapwa 23-anyos, at residente ng Brgy. North Poblacion, Juban, Sorsogon.

Nagpapagaling naman ng mga sugat ang isa pang biktima na nakilalang si Mark Anthony Griego, 37-anyos, residente ng Brgy. Cogon, Juban.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, dala ang swab test specimen at ilang katao para sumailalim sa swab test ay pumarada ang rescue ambulance ng LGU na minamaneho ni Oriel Gabion Gabito, 56-anyos, sa harap ng gate ng isolation facility compound.

Bumaba si Gabito at pinabuksan sa bantay ang gate saka bumalik sa ambulansya. Gayunman, inakala nito na naka-park mode ang minamaneho niyang ambulansya at ini-release ang handbrake kaya biglang umarangkada ang ambulansya papasok ng compound at malakas na nabangga ang mga biktima na nag-aayos ng tent ng isolation facility.

Sumuko sa mga pulis ang driver ng ambulansya matapos ang insidente.

AMBULANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with