_ngayon
^

Probinsiya

2 anti-Duterte todas sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 anti-Duterte todas sa shootout
Kapwa dead-on-arri­val sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City ang dalawang suspek na patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan.
STAR/File

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Bulagta ang dalawang armadong lalaki matapos pumalag sa paninita ng mga pulis at sundalo nang maaktuhang nagba-vandal ng anti-Duterte sa railings ng Banao Bridge sa may Maharlika Highway ng Brgy. Lower Binogsacan, dito kahapon ng mada­ling araw.

Kapwa dead-on-arri­val sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City ang dalawang suspek na patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw habang rumoronda ang mga kasapi ng Provincial Mobile Force Company, Guinobatan Municipal Police, Regional Mobile Force Battalion 5, Criminal Investigation and Detection Group, Regional Intelligence Unit 5, 93 Special Action Company ng Special Action Force, 97th Military Intelligence Company at 49th Infantry Battalion ng Philippine Army nang maaktuhan nila ang mga suspek na nagsusulat sa railing ng tulay ng mga katagang “DUTERTE IBAGSAK” gamit ang spray paint.

Sinita ng mga pulis at sundalo ang dalawa pero sa halip na sumagot ay biglang bumunot ng baril at pinutukan umano ang mga operatiba dahilan para tamaan ng mga punglo ang mobile patrol ng mga pulis. Nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa parehong bumulagta ang mga suspek.

Nabawi mula sa dalawang lalaki ang isang kalibre 45 at kalibre 38 baril, mga bala at ang gamit nilang “Rusi” motorcycle.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with