_ngayon
^

Probinsiya

Pagtaas ng COVID-19 cases sa Quezon ikinabahala sa kawalan ng pondo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga taga-Quezon province na ilabas na ang pondong nakalaan para sa mga healthcare workers.

Ikinababahala na posibleng tumaas ang bilang ng mga nangamamatay sa sakit na COVID-19 sa Quezon kung hindi ilalabas ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ni Gov. Danilo “Danny” ­Suarez ang pondong nailaan na sa pasuweldo sa mga health workers at pambili ng medical supporting equipment.

Sa tala ng Department of Health (DOH), aabot na sa 700 kaso ng pagkamatay sa COVID-19 sa Quezon samantalang mahigit 16,000 naman ang infected sa nasabing virus.

Sa ilalim ni Suarez, ang lalawigan ang mayroong pinakamataas na bilang ng COVID-19 infections at nagtala lamang ng 1.2% vaccination rate ang probinsya kumpara sa ibang lalawigan sa CALABARZON 4-A.

Sa panayam kay Sonny Ubana, board member at Majority Floor Leader ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa programang “Dos por Dos” sa DZRH, sapat ang pondong inaprubahan ng kanilang lalawigan para sa pasuweldo sa mga regular at contractual employees ng Quezon.

Ayon kay Ubana, bagama’t re-enacted ang budget ng lalawigan, sasapat ang alokasyong P75.5 mil­yon noong 2020 na inaprubahan mismo ni Suarez. Bagama’t mas mababa ito sa P102 milyong inilaan para sa pasuweldo noong 2019, mayroong sapat na pera ang pamahalaang panlalawigan para tuluy-tuloy na makatanggap ng suweldo ang mga empleyado ng kapitolyo.

Ipapasa sana ng Sangguniang Panlalawigan ang 2021 panukalang badyet ng gubernador kung hindi natuklasan ng walong miyembro ng board ang mahigit P200-300 mil­yong mga proyekto na wala sa annual investment plan na ipinanukala mismo ni Suarez at aprubado ng board. Hindi rin aniya tugma ang panukalang 2021 budget sa isinapublikong layunin ng gubernador na maglaan ng mas malaking pondo para sa kampanya laban sa COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with