^

Probinsiya

Babae natagpuang naaagnas sa kotse

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

STA. ELENA, Camarines Norte, Philippines — Naaagnas na ang bangkay nang matagpuan ng mga residente sa loob ng inabandonang kotse ang isang babae matapos umali­ngasaw ang masangsang na amoy sa gilid ng Maharlika Highway sa Purok-6, Brgy. Don Tomas ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang biktima, ayon sa nakuhang ID dito na si Mary Ann Galicia Esguerra, residente ng Cluster 24, Unit 1E, Cambridge Village, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Sa ulat, dakong alas-8:50 ng umaga ay ilang residente ang napadaan sa nakaparadang silver Toyota Camry (UPZ-367) sa tabi ng highway at nakaamoy ng masangsang mula sa loob ng sasakyan. Nang silipin ay nagulantang sila nang makita ang isang patay na babae sa backseat ng kotse.

Agad humingi ng responde sa mga pulis ang mga opisyal ng barangay.

Sa imbestigasyon, napansin ng ilang residente na umaga pa noong Hulyo 23 ay nakahimpil na sa lugar ang nasabing kotse.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng babae.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with