_ngayon
^

Probinsiya

Beta at Alpha variants nakapasok na sa Ilocos Sur

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Beta at Alpha variants nakapasok na sa Ilocos Sur
Ayon kay Singson, nakatanggap sila ng ulat mula sa Department of Health (DOH) na mayroon nang limang kumpirmadong kaso ng Beta variant habang anim sa Alpha variant ang naitala sa lalawigan.
AFP/Ted Aljibe

BAGUIO CITY , Philippines — Kinumpirma kahapon ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson na nakapasok na sa kanilang lalawigan ang Beta and Alpha variants ng COVID-19.

Ayon kay Singson, nakatanggap sila ng ulat mula sa Department of Health (DOH) na mayroon nang limang kumpirmadong kaso ng Beta variant habang anim sa Alpha variant ang naitala sa lalawigan.

Sa anim na kaso ng Alpha variants, tatlo rito ay naitala sa Vigan City habang dalawa sa bayan ng Cabugao at isa sa Sta. Cruz. Tatlo naman sa Beta variant cases ay mula Cabugao at dalawa sa Vigan City.

Ang Alpha variant o kilalang B.1.1.7 ay sinasabing unang nadiskubre noong Setyembre 2020 sa United Kingdom habang ang Beta variant o B.1.351 ay na-detect sa South Africa ng nakalipas ding taon.

Bunsod nito, umapela si Ilocos Sur Provincial COVID-19 Action Center Incident commander Dr. Trina Talaga sa publiko ng kanilang kooperasyon at sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang pagdami ng pasyante sa mga quarantine facilities sa lalawigan.

Ang Ilocos Sur ay isa sa mga laalwigan na inilagay sa general community quarantine (GCQ) status na may heightened restrictions mula Hulyo 23 hanggang Hulyo 31, 2021 kasama ang iba pang probinsya ng Ilocos Norte, Davao de Oro at Davao del Norte.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with