_ngayon
^

Probinsiya

Slaughter house nasunog: P4.5 milyon na ari-arian naabo

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

GENERAL SANTOS CITY , Philippines — Mahigit apat na milyon ang naitalang pinsala sa isang slaughter house matapos na masunog sa Brgy. San Vicente, Banga, South Cotabato, ayon sa isang fire official kahapon.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP)-Banga Fire Marshall Inspector Russel Basuel, ang naturang slaughter house ay pagmamay-ari ng Biotech Farms kung saan hindi bababa sa P4.5 milyong halaga ang naging pinsala ng sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-overload diumano ang suplay ng kuryente ng naturang pasilidad na siyang dahilan ng pagliyab ng breaker nito noong Miyerkules ng gabi.

Masuwerte umanong hindi natupok lahat ng apoy ang naturang pasilidad dahil na rin sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero at volunteer firefighters ng Banga katuwang ang BFP-Surallah, BFP-Sto. Nino at BFP-Koronadal.

BFP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with