_ngayon
^

Probinsiya

Senglot na lolo hulog sa lawa, tepok

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa ilalim ng tubig sa isang lawa malapit sa fish cage matapos naiulat na nawawala sa Lake Sebu, South Cotabato, nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Euterio Cervas Panela, 69-anyos, may asawa at residente ng Sitio Lamdamay, Barangay Bacdulong, Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon sa pulisya, dumalo sa birthday party ng kanyang kaibigan noong Huwebes ng gabi ang biktima at umuwing lasing sakay ng kanyang bangka patungo sa kubo nito.

Pero dahil sa kalasingan, nahulog si Panela sa bangka at hindi na nakaahon hanggang sa malunod.

Matapos ang ilang oras na paghahanap ng rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at pulisya, natagpuan ang katawan ng lolo pasado alas-11 na Biyernes ng umaga, at positibong kinilala ng mga kaanak.

EUTERIO CERVAS PANELA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with