_ngayon
^

Probinsiya

95 pang pagyanig naitala sa Bulkang Taal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
95 pang pagyanig naitala sa Bulkang Taal
Ayon sa Phivolcs, nagbuga rin ang Main Crater ng mataas na sukat ng volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes na may taas na 900 metro bago napadpad patungo sa hilagang silangan at silangan.
AFP/Ed Jones

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng 95 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa Batangas kabilang na ang 68 volcanic tremor events na tumagal ng 1-17 minuto, 26 low frequency volcanic earthquakes, isang hybrid earthquake at low-level background tremor, batay sa 24 oras na monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa naturang bulkan.

Ayon sa Phivolcs, nagbuga rin ang Main Crater ng mataas na sukat ng volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes na may taas na 900 metro bago napadpad patungo sa hilagang silangan at silangan.

Ang naibugang asupre ay may 5,286 to­nelada at ang sukat ng ground deformation­ ng bulkan­ ay nakakapag­tala ng marahan na pag-impis ng Taal Volcano Island samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula pa noong 2020.

Nananatiling nasa Alert Level 3 ang bulkang Taal na sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot­ sa Main Crater ay maa­aring magdulot ng malakas na pagsabog kaya mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng mga tao sa Taal Volcano Island na isang Permanent Danger Zone at dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.

PHILVOCS TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with