_ngayon
^

Probinsiya

Face-to-face classes sa Lucena arangkada na

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Face-to-face classes sa Lucena arangkada na
Marso 9, 2020 na larawan, ang mga manggagawa sa paaralan ay nagdidisinfect ng isang silid-aralan sa gitna ng nobelang pagbabanta ng coronavirus sa bansa.
The STAR/Boy Santos, file

LUCENA CITY, Philippines — Nagsimula na ring umarangkada ang limited face-to-face classes para sa mga laboratory activities, research works at clinical internship para sa kursong Medical Technology sa isang unibersidad sa lungsod na ito.

Kasabay nito, istriktong ipinatutupad sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) ang health and safety protocols gaya ng pagdaan sa Triage Area para sa disinfection, temperature check at paglagda sa health declaration form ng mga estudyante at guro.

Ayon sa anunsyo ng College of Nursing and Allied Health Sciences ng nasabing unibersidad, nakatakda na ring magsimula ang face-to-face classes para sa kursong Nursing.

Isa ang MSEUF Lucena sa dalawang uni­bersidad sa Quezon na binigyan ng “go signal” ng Commission on Higher Education (CHED) na makapagdaos ng limitadong physical classes para sa kanilang medical at allied health programs.

FACE TO FACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with