_ngayon
^

Probinsiya

2 trak nagsalpukan: 3 sugatan, bahay at tindahan nasunog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 trak nagsalpukan: 3 sugatan, bahay at tindahan nasunog
Nilapatan ng lunas sa ospital ang mga nasugatan na nakilalang sina Wilfredo Faustino, 66, ng Malolos, Bulacan; Walter Taguinod, 44, ng Tugue­garao City, Cagayan, kapwa driver at helper na si Christopher Flores, 42.
STAR/File

DIADI, Nueva Vizcaya, Philippines — Tatlong katao ang nasugatan habang isang tindahan at isang bahay ang tuluyang nilamon ng apoy matapos magsal­pukan ang dalawang trak na lumikha ng malaking sunog sa national highway ng Brgy. Nagsabaran sa bayang ito noong Huwebes ng madaling-araw.

Nilapatan ng lunas sa ospital ang mga nasugatan na nakilalang sina Wilfredo Faustino, 66, ng Malolos, Bulacan; Walter Taguinod, 44, ng Tugue­garao City, Cagayan, kapwa driver at helper na si Christopher Flores, 42.

Ayon sa ulat, binabagtas ng dalawang trailer truck na minamaneho nina Faustino at Taguinod ang magkasalungat na bahagi ng pangunahing­ kalsada nang magsalpukan ang mga ito sa palikong bahagi ng daan.

Sa lakas ng banggaan, nagliyab ang mga sasakyan at nadamay ang isang bahay at tindahan sa gilid ng highway na pag-aari naman ng isang Delmar Garcia na ikinasugat ng tatlong biktima.

Bagama’t umaambon, tumagal ng mahigit isang oras ang sunog na nagdulot ng mahabang trapiko sa magkabilang linya ng kalsada bago tuluyang naapula ng mga rumespondeng bumbero ang apoy.

TRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with