_ngayon
^

Probinsiya

Magsasaka dinukot, pinatay ng 4 na armado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

USON, Masbate, Philippines — Bulagta sa madamong lugar ang isang 52-anyos na magsasaka matapos na dukutin ng apat na armadong lalaki at pagbabarilin sa Sitio Putod, Brgy. San Jose ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ng mga kaanak at residente at may tama ng punglo sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan ang biktimang si Pablo Rivera Jr., may asawa ng Sitio Impapanan, Brgy. Ar­menia, bayang ito.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi habang nag­lalaro ng bilyar ang biktima sa bahay ng isang nagngangalang Manuel Maxilum nang dumating ang apat na armadong lalaki.

Sa hindi malamang dahilan, sapilitang isi­nama ng mga suspek ang biktima sa masukal na lugar at makalipas ang ilang sandali ay magkakasunod na putok ang narinig ng mga residente hanggang sa makitang patay ang biktima.

MAGSASAKA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with