^

Probinsiya

Bangka lumubog sa Albay: Mangingisda patay, 2 nasagip

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LIBON, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 26-anyos na mangingisda habang nakaligtas ang dalawa niyang kasama matapos na lumubog ang kanilang bangka nang bayuhin ng malalakas na ulan at hangin sa Lake Bato sa Brgy. Buga ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Natagpuang nakalubog sa tubig at putik malapit­ sa tabi ng lawa ang bangkay ng biktima na si Bryan Saberola, ng Zone-2 ng naturang barangay.

Sa ulat, pasado alas-4 ng hapon sakay ng de-sagwang bangka kasama ang dalawang hindi pina­ngalanang mangingisda ay nagpunta ang biktima sa gitna ng lawa para manghuli ng isda.

Gayunman, katutulak pa lang ay bigla silang sinalubong ng malalakas na hangin at biglang buhos ng ulan dahilan para bumaliktad ang kani­lang bangka at lumubog. Nakalangoy ang dalawa patungo­ sa tabi ng lawa pero hindi na nakita pang umahon si Saberola.

Mabilis na rumesponde ang MDRRMO-Libon at rescue team ng Bureau of Fire Protection at nare­kober ang katawan ng biktima.

ALBAY

BANGKA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with